Ala 1:23 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa bayan ng Sarangani sa Davao Occcidental.
Ayon sa PHIVOLCS ang epicenter ng lindol ay naitala sa 212 kilometers South ng Sarangani.
2 kilometers lang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Samantala, alas 6:06 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.6 ang Guiuan, Eastern Samar.
Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 86 kilometers east ng Guiuan.
Ayon sa PHIVOLCS, 33 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Kapwa hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang pagyanig.
READ NEXT
Matapos ang yellow alert kahapon, power situation ng Luzon Grid balik sa normal ngayong araw
MOST READ
LATEST STORIES