Balik-normal ang power situation sa Luzon Grid ngayong Martes (Feb. 27) ng umaga.
Ito ay makaraang itaas ang yellow alert noong Lunes dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon Grid bunsod ng mga naka-shutdown na planta.
Sa power situation outlook ng NGCP, sa Luzon, mayroong system capacity na 10,873 megawatts ngayong umaga habang nasa 9,352 megawatts ang system peak demand.
Nangangahulugan ito na mayroong 1,521 megawatts na reserba sa kuryente.
Muli namang maglalabas ng power outlook situation ang NGCP mamayang tanghali kung kailan mas mataas at mas marami ang gumagamit ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES