Ed Sheeran, itinanghal na “World’s best-selling recording artist” para sa taong 2017

Ang British singer na si Ed Sheeran ang itinanghal na World’s best-selling artist of 2017.

Ang titulo ay ibinigay kay Sheeran ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI) dahil sa kaniyang mga awiting “Shape of You,” “Castle on the Hill” at “Perfect” na labis na tinangkilik ng publiko sa buong mundo.

Ayon sa IFPI, ang album ni Sheeran ng “Divide” ay naging best-selling album sa buong mundo noong nakaraang taon at certified platinum sa 36 markets. Habang ang single niyang “Shape of You” ay international best-selling single naman.

Ito ang unang pagkakataon sa record ng IFPI na nakuha ng iisang artist ang tatlong parangal para sa best global recording, best-selling record at best-selling single.

Pumangalawa kay Sheeran sa top 10 global recording artist ang rapper na si Drake, sumunod sina Taylor Swift, Kendrick Lamar, Eminem, Bruno Mars, The Weeknd, Imagine Dragons, Linkin Park, at The Chainsmokers.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...