Alert level 1 itinaas sa Marikina River

marikina river erwinItinaas na ng lokal na pamahalan sa Marikina City ang alert level 1 sa Marikina river matapos umabot sa 15 meters ang antas ng tubig sa ilog.

Sa abiso ng Marikina City Government, 8:05 ng umaga, nang itaas ang alarma sa alert level 1 dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan sa Metro Manila.

Apat na alerto ang pinaiiral ng city government sa Marikina river kapag ganitong masama ang panahon.

Itinataas ang alarm level 1 kapag umabot na sa 15 meters above sea level ang antas ng tubig sa ilog na ang ibig sabihin ay ‘babala’ o ‘warning’.

Alarm level 2 naman naman kapag umabot na sa 16 meters above sea level ang antas ng tubig sa ilog at ang katumbas naman ng alarma ay ‘maghanda’ o ‘prepare’.

Alarm level 3 kung ang water level sa Marikina river ay nasa 17 meters above sea level na, at sa puntong ito ay kailangan nang ‘lumikas’ ng mga residente.

Ang ika-apat na alarma ay critical level, o kapag umabot na sa 18 meters ang antas ng tubig kung saan magpapatupad na forced evacuation.

Read more...