Accreditation ng mga resort sa Boracay, sinuspinde ng DOT

 

Anim na buwang suspendido ang accreditation ng mga resort at iba pang mga establisyimento sa Boracay.

Ito ang ipinahayag ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang naturang isla.

Ayon sa DOT, dapat gamitin ng mga negosyo sa Boracay ang anim na buwan upang makakuha ang mga ito ng water treatment facility na konektado sa centralized sewerage system sa lugar.

Nasa mahigit 60 mga establisyimento sa Boracay, kabilang ang mga five-star resorts, ang sinasabing nagtatapon ng kanilang mga untreated sewage water sa karagatang sakop ng mga barangay ng Balabag, Manoc-Manoc, at Yapac.

Nauna nang sinabi ni DOT Secretary Wanda Teo na kailangang magkaroon ng tourism heritage law para matiyak ang pangangalaga hindi lamang ng Boracay, ngunit maging sa iba pang mga tourist spots sa bansa.

Samantala, desidido naman ang DOT, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Interior and Local Government (DILG) na kasuhan ang mga establisyimento na patuloy na lalabag sa environmental at tourism laws.

Read more...