Australia nagbigay ng P3.6-B para sa ARMM

 

File photo

Naglaan ng P3.6 bilyon ang pamahalaan ng Australia para sa siyam na taong programa na magsasaayos ng basic education at peace-building sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Inilunsad sa Davao City nina Australian Foreign Minister Julie Bishop, National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza, at ARMM Regional Executive Secretary Laisa Alamia ang Education Pathways to Peace in Mindanao o Pathways.

Layunin nito na suportahan ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapalakas ng core education services sa Mindanao. Partikular dito ang institutional strengthening; curriculum, learning, at delivery; teacher management at teaching quality; at policy, planning, at data management.

Ito na ang ikatlong beses na naglaan ng pondo ang Australia para sa edukasyon sa ARMM. 2002 nang unang ilunsad ng naturang bansa ang ten-year Basic Education Assistance sa Mindanao, na sinundan naman ng Basic Education Assistance for Muslim Mindanao mula 2012 hanggang 2017.

Read more...