Chop-chop na katawan natagpuan sa Kyoto at Osaka, Japan

 

Natagpuan ang pinagpuputol na braso, binti, at torso ng tao sa bulubunduking bahagi ng Kyoto at Osaka sa Japan araw ng Lunes.

Ito ay matapos naman matagpuan ng mga pulis ang putol na ulo sa loob ng isang maleta sa Osaka noong Sabado.

Natagpuan ang mga bahagi ng katawan matapos ipagbigay alam ng isang Yevgeniy Vasilievich Bayraktar ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga ito.

Sa ngayon ay arestado na si Bayraktar dahil sa posibilidad na mayroon itong koneksyon sa krimen.

Huling nakita ang biktima na isang 27 taong gulang na babaeng Japanese national kasama naman ang isang lalaking Amerikanong turista.

Nang mahuli ay aminado naman ang Amerikano na siya ang nagtapon sa katawan ng babaeng biktima.

Batay sa CCTV camera footage ng isang condominium sa Osaka, makikitang sabay na pumasok sa gusali ang turista at ang Japanese national.

Sa mga sumunod na kuha ay hindi na nakita pa ang babae.

Ngunit makikita naman ang paglabas-pasok ng turista nang may dala-dalang travel bag.

Sa loob ng isang condominium unit, nakita ng mga otoridad ang mga bakas ng dugo.

Kaya naman hinala ng mga pulis, dito pinatay at pinutol ang katawan ng babae bago itinapon sa magkakaibang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagkakilala ang suspek at biktima sa pamamagitan ng isang dating app.

Read more...