Ayon sa pangulo, hindi niya pa maaring sabihin kung anong bansa ito pero tiniyak niyang sa mga susunod na araw ay may darating na shipment sa bansa na naglalaman ng 5,000 armas.
Pangako pa ni Duterte, makaka-survive ang Pilipinas sa “pocket wars” at tiyak na tayo ay magiging isang “great nation” balang araw.
Maging si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay tumangging magkomento sa kung saan magmumula ang mga nasabing armas.
Giit ni Lorenzana, kung ayaw itong sabihin ni Duterte ay hindi niya rin ito ibubunyag.
Matatandaang una nang nakatanggap ng 5,000 AK-74M Kalashnikov assault rifles, isang milyong rounds ng balam 20 army trucks at 5,000 na steel helmets ang bansa mula sa Russia.
Maliban dito, nagbigay din ang China ng P370 milyogn halaga ng mga armas at bala sa Pilipinas.