Handa ang Development Bank of the Philippines na magpautang ng mas malaking halaga para sa programang imprastruktura ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa DBP, nakalaan ang P76.23 Billion ng loan portfolio nito para sa imprastruktura at logistics.
Dagdag nito, P7 Billion ng loan ang nailabas noong 2017 para sa Infrastructure Contractors Support (ICONS) Program.
Ipinahayag din ni DBP President at CEO Cecilia Borromeo na na handa ang DBP na makipag-ugnayan sa foreign entities na nais makibahagi sa infrastructure projects ng bansa partikular na sa railways.
Dagdag ni Borromeo, kaya ring pondohan ng DBP ang pagpapalawak ng Clark Airport dahil kliyente nito ang bidder na GMR-Megawide.
Target ng pamahalaan na gumastos nang P8 trillion sa ilalim ng Dutertenomics o mga proyekto sa kalsada, paliparan at railways.