Luzon niyanig ng magnitude 5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon ngayong hapon.

Sa inisyal na report na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), natagpuan ang epicenter ng pagyanig sa Kaunlarang bahagi ng Boac, Marinduque.

May lalim lamang ito na apat na kilometro at naitala ang pagyanig kaninang 5:39 ng hapon.

Sinabi ng Philvocs na inaasahan nila ang mga aftershocks pero sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na ulat ukol sa pinsala ng pagyanig.

Naramdaman ang pagyanig sa Intensity 5 sa Boac Marinduque, Intensity 4 sa Batangas City, Intensity 3 sa Lipa City, Malvar at Batangas City samantalang Intensity 1 naman sa Guinayangan, Quezon at Tagaytay City.

 

Read more...