Panel na tututok sa kaso ni Ex-PNoy kaugnay sa Dengvaxia binuo ng DOJ

Lumikha na ang Department of Justice ng panel na mag- iimbestiga sa kasong isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Sec. Janette Garin at iba pa kaugnay ng kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine.

Sa ilalim ng Department Order 0439, itinalaga ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre si Senior Assistant Special Prosecutor Rossane Balauag bilang chairperson ng panel at sina Senior Assistant Special Prosecutor Hazel Decena Valdez,  Assistant Special Prosecutor Conzuelo Corazon Pazziuagan at Assistant Special Prosecutor Gino Paolo Santiago bilang mga miyembro.

Ang nasabing panel ang magsasagawa ng preliminary investigation sa kasong isinampa kay dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pa ng VACC kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Bukod sa dating pangulo kasama sa kinasuhan sina dating Budget Secretary Butch Abad, dating Health Secretary Janette Garin, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH at mga opisyal ng Zuellig at Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng Dengvaxia.

Iginiit ng VACC na ang mga aksyon ng mga respondent ang dahilan sa pagkamatay ng mga mag-aaral na naturukan ng anti-dengue vaccine.

Read more...