Ex-PNoy: Dengvaxia hindi dapat gawing panakot sa publiko

Hinimok ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pamahalaan na ihinto na ang pananakot sa publiko kaugnay sa dengue vaccine.

Ayon kay Aquino, walang magandang idudulot lalo na sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia kundi anxiety o pag-aalala lamang.

Hindi aniya tama na lalong nagiging kawawa ang taumbayan dahil tumataas ang agam-agam at takot nila sa Dengvaxia.

Sa halip nito, iginiit ng dating punong ehikutibo na bigyan ng tamang impormasyon ang mga magulang upang sa gayon ay makakilos daw ang mga ito ng maayos para sa kalusugan ng kani-kanilang mga anak.

Sinabi ni Aquino na magandang malaman sa mga pagdinig na ginagawa ng kongreso ang dahilan ng pagkamatay ng mga batang nasawi para maitama ang sitwasyon at mabigyang lunas kung anuman ang problema sa Dengvaxia.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilyang namatayan dahil sa Dengvaxia vaccine ang dating pangulo.

Read more...