Sinabi ni Consular Officer ng Philippine Embassy sa Papua New Guinea Tenom Malaga na kaagad silang nakipag-ugnayan sa Filipino community sa nasabing bansa makalipas ang lindol.
Ipinarating na rin nila ang naturang impormasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pero tiniyak ng opisyal na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Pinoy sa Papua New Guinea para sa kanilang mga pangangailangan.
Sa ulat ng U.S Geological Survey, natagpuan ang epicenter ng lindol sa layong 89 kilometers sa Timog-Silangan ng Porgera District malapit sa Pacific Island Region.
Sa kabila ng malakas na lindol ay wala namang itinaas na tsunami alert ang Tsunami Warning Center sa lugar.