Idinepensa ni Public Attorneys Office Chief Atty. Percida Acosta ang kuwalipikasyon ng PAO forensic expert na si Dr. Erwin Erfe.
Sa pagharap sa pagdinig ng Kamara sinabi ni Acosta na bukod sa pagiging doktor isa ring abogado si Erfe.
Ipinagmalaki pa ni Acosta may mga certificate at diploma rin na nakuha abroad si Erfe.
Consultant anya ng PAO si Erfe sa loob ng labingapat na taon at may kapabilidad ito sa forensic medicine, blood analysis at crime scene reconstruction.
Ang pahayag na ito ni Acosta ay sa gitna ng kritisismo sa kredibilidad at kwalipikasyon ni Erfe.
Samantala, sinahi naman ni Erfe na 26 na bata na ang dumaan sa pagsusuri ng PAO at lahat ng mga ito ay nabakunahan ng Dengvaxia maliban sa isang biktima.
Nagkasakit anya ang mga ito matapos mabigyan ng bakuna kung saan nagkaroon ng lagnat, sakit ng ulo, tiyan at namatay sa loob ng labingisang araw hanggang walong buwan matapos mabakunahan.
Base anya sa kanyang pagsusuri nagkaroon ng paglaki ng internal organs ang mga bata kung saan 22 ang nagkaroon ng brain hemorrhage at 11 sa mga ito ay nagkaroon ng severe homorrhage.