Ayon kay Jacob Salise ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer, walang naitalang nasawi sa sunog.
Sumiklab ang apoy dakong 3:45 ng madaling araw, at idineklarang under conntrol makalipas ang dalawang oras.
Gayunman, ayon sa Bureau of Fire Protection, dalawang bumbero mula Kolambugan ang kritikal ang kalagayan matapos sumalpok sa isang puno ang kanilang fire truck na sinasakyan.
Hindi pa pinapangalanan ang dalawang biktima na ginagamot na sa ospital.
Samantala, ayon kay Salise, inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.
Mananatili muna sa evacuation centers ang mga biktima ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES