Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Balatan sa lalawigan ng Camarines Sur ang apat na crew at ang kapitan ng bangka makaraang mamatayan ng makita habang nasa gitna ng laot.
Ang insidente ay kaagad na naitawag sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Balatan nang magka-aberya ang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Caorasan, Bula, Camarines Sur linggo ng hapon.
Ayon sa may-ari ng Fishing Banca na “JNB-1” na si Julito Begino, habang naglalayag ang kanilang sasakyang pandagat patungo sa naturang bisinidad pasao ala 1:15 kahapon ay nakaranas sila ng problema sa makina dahilan para humingi ng saklolo ang kapitan ng bangka na si Noli Flores.
Kaagad namang rumesponde ang PCG SAR kasama ang mga tauhan ng Bantay Dagat kung saan ay matagumpay nilang naidaos ang operasyon.
Samantala, nahatak at naidaong na ang nabanggit na bangkang pangisda sa dalampasigan ng Siramag, Balatan, Camarines Sur at nasa maganda nang kundisyon ang lahat ng crew at kapitan ng bangka.