Ito ay matapos nang maaresto ang mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Joana Demafelis, ang OFW na pinatay at isinilid ang katawan sa isang freezer.
Matatandaang sinabi ng pangulo noong Huwebes na mananatili ang deployment ban maliban kung madarakip ang mga suspek.
Gayunman, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pangulo ang magdedesisyon ukol sa pagbawi sa deployment ban.
Hindi naman isinasara ng kalihim ang pagbawi sa ban sakaling pumirma ang Kuwait sa Memorandum of Understanding na layong protektahan ang mga OFWs.
Nitong linggo ay naaresto na ang mag-asawang sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun sa magkahiwalay na operasyon sa Lebanon at Syria.
Sila ang employers ni Demafelis na itinuturong suspek sa pagkamatay ni Demafelis.