Ito ang inanunsyo ng alkalde sa harap ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa aktibidad ng ‘Tapang at Malasakit – Alliance for the Philippines’ sa Hong Kong.
Anya, hindi niya kayang iwanan ang kanyang anak na pinakadahilan kaya hindi siya tatakbong senador.
“Hindi ko kaya iwanan ang mga anak ko. ‘Yun din ‘yung reason kung bakit hindi ako tatakbong senador. Kasi hindi ko, sorry, hindi talaga”, ani Duterte.
Gayunman, sa kanyang talumpati ay inendorso ni Sara Duterte sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at Deputy Speaker of the House of the Representatives Pia Cayetano.
“Pero meron akong i-endorse sa inyo, nandiyan si Usec. Mocha Uson at nandyan si Senator Pia Cayetano, sila ang ilagay nating mga Senators”, dagdag pa niya.
Samantala, sa isang Facebook post naman ay nagpasalamat si Uson sa tiwala umanong ibinibigay sa kanya ni Duterte.
Gayunman, ayon kay Uson ay uunahin muna niya sa ngayon ang kanyang trabaho dahil naniniwala anya siya na ang panawagan sa mas mataas natungkulin ay panawagan mula sa Panginoon.
“Una sa lahat ako po ay taos pusong nagpapasalamat kay Mayor Inday Sara Duterte sa tiwalang ibinigay niya po sa akin. Ngunit sa ngayon po ay trabaho po muna tayo. Naniniwala ako na ang panawagan sa mas mataas na tungkulin ay isang panawagan mula sa Panginoon. Gayun paman salamat po sa tiwala. Mabuhay ang Pilipinas!”, ani Uson.
Kamakailan ay nagpahayag din ang opisyal na tatakbo lamang siya sakaling si Pangulong Duterte ang kumumbinsi sa kanya.