Sa kanyang talumpati, ay iginiit ni FVR na ang mapayapang rebolusyong ito ay simula pa lamang ng pagbabago at hindi pa ang katapusan.
“Unang-una, ang ating 1986 EDSA People Power Revolution, ‘yon ay umpisa lamang ng ating pagbabago, ‘di ‘yan ang katapusan”, ani Ramos.
Sinabi ng dating pangulo na ang bunga ng rebolusyong ito na mas magandang kinabukasan para sa mga Filipino ay dapat maisakatuparan ng mga susunod na administrasyon.
Ang iniwang aral anya ng EDSA ay ang pagkaka-isa ng mga Filipino sa pagtataguyod sa mga kagandahang asal kabilang ang pagmamahal sa Diyos, sa mamamayan, sa bayan at sa kapaligiran at ang sama-samang pagpapaunlad sa bansa.
Isa si FVR sa mga mahahalagang personalidad na susi ng EDSA Revolution noong 1986.