1 milyon katao, nanood sa Grand Float Parade ng Panagbenga Festival sa Baguio

 

FB/Baguio City Guide

Umabot sa isang milyon hanggang 1.2 milyong katao ang nanood sa grand float parade ng Panagbenga Festival sa Baguio City ayon kay City Police Office Director Senior Supt. Ramil Saculles.

Dalawampu’t tatlo ang kabuuang bilang ng floats na punong-puno ng sariwang mga bulaklak at ornamental plants ang nagpahanga sa mga tao.

Labing-isa dito ang sumali sa big float category ng kompetisyon habang walo naman ang sumali sa small float category.

Nanguna sa parada ang float ng lokal na pamahalaan ng Baguio na sinundan ng hall of fame title holders na Baguio Country Club, SM Baguio at NLEX.

Star-studded din ang event dahil sa floats ng dalawang giant networks lulan ang pinakasikat nilang mga artista tulad nina Coco Martin, Megan Young at iba pa.

Iaanunsyo ang mananalo sa float competition sa darating na Miyerkules.

Isa sa mga highlights ng Panagbenga ang Grand Float Parade na kadalasang humahatak ng daan-daang libong katao.

Ang tema ng ika-23 Panagbenga Festival ngayong taon ay “Celebration of Culture and Creativity,” na layong itaguyod ang pagkakasali ng Baguio City sa listahan ng creative cities ng United Nations Education, Scientific and Cultural Organization’s o (UNESCO).

Read more...