Pinoy boxer Donnie Nietes, naidepensa ang kaniyang World Flyweight title

Credit: Jay Directo/AFP

Panalo ang Pinoy Boxer na si Donnie Nietes laban kay Juan Carlos Reveco ng Argentina.

Ginanap ang laban ng dalawang boksingero ngayong umaga sa The Forum sa Inglewood, Californiia.

Dahil dito, napanatili ni Nietes ang kanyang World Flyweight Title.

Samantala, talo naman ang Pinoy boxer na si Brian Viloria kay Artem Dalakian ng Ukraine dahilan para hindi mabawi ang World Flyweight Championship.

Bagama’t nakaiskor sa mga unang round ang 2 division champion, hindi na nakaporma si Viloria nang gamitin ng Ukrianian ang kanyang malalakas na suntok at mahabang reach.

sa 11th round, aksidenteng nasiko ni Dalakian si Viloria noo dahilan para umagos ang dugo nito.

Dahil dito, natalo si Viloria sa iskor na 118-110.

Ito na ang ikaanim na talo ni Viloria na kilala ring Hawaiian punch habang pumalo naman sa 16 ang panalo ni Dalakian.

Read more...