LPA, magdudulot ng pag-uulan sa ilang bahagi ng Pilipinas

Credit: PAGASA

Makakaranas ng malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Pilipinas bunsod ng umiiral na Low Pressure Area (LPA).

Ayon kay PAGASA meteorologist Ariel Rojas, dapat maging alerto ang mga residente sa Eastern, Central at Western Visayas kasama ang Bicol, Caraga, Mimaropa at Northern Mindanao dahil sa posibleng flashfloods o landslides.

Namataan ang LPA sa layong 205 kilometers sa west southwest ng General Santos City, South Cotabato kaninang 3:00, Linggo ng madaling-araw.

Hindi naman aniya posibleng maging bagyo ang namumuong sama ng panahon.

Samantala, makakaranas ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos regions dahil sa northeast monsoon o hanging amihan.

Read more...