MMDA, nag-abiso sa matinding trapiko sa Marcos Highway simula ngayong araw

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista sa inaasahang mabigat na trapiko sa Marcos Highway simula ngayong araw ng Linggo.

Isasara ang ilang bahagi ng naturang highway upang bigyang daan ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extension Project.

Magmula mamayang gabi ay sisimulan na ng DMCI Holdings Inc., ang contractor ng naturang proyekto ang installation ng mga coping beams sa Emerald Station sa Cainta.

Ayon sa isang pahayag ni MMDA acting general manager Jojo Garcia, mamayang alas-11 ng gabi ay isasara na ang 50-meter stretch ng westbound lane ng Marcos Highway.

Isang zipper lane o counterflow scheme ang ipatutupad sa eastbound lane para sa mga sasakyan na patungong Quezon City ayon kay Garcia.

Iginiit ng opisyal na ang mga contractors ay maaari lamang ipagpatuloy ang proyekto sa gabi kung saan mas kaunti ang mga sasakyan at magaan lamang ang daloy ng trapiko.

“Contractors are only allowed to work on the project during night-time, a period when vehicular traffic is light. The scheme would last until October this year,” ani Garcia.

Narito ang oras at araw na isasara ang ilang lanes ng Marcos Highway:

-Lunes hanggang Huwebes, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga
-Biyernes, mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-5 ng umaga
-Sabado, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga
-Linggo, mulas alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga

Tatagal ang naturang scheme hanggang sa buwan ng Oktubre.

Read more...