7 suspek sa pag-atake sa police station sa South Africa, patay sa shoot-out

Patay sa shoot-out ang pito sa mga suspek na umatake sa isang police station sa South Africa nitong Miyerkules.

Naganap ang palitan ng putok ng mga awtoridad at mga suspek sa isang simbahan sa Nyanga Village.

Sinasabing ang mga napatay ay ang responsable sa pag-atake sa isang police station sa lalawigan ng Eastern Cape na ikinasawi ng anim na alagad ng batas.

Nakorner ang armadong grupo matapos magtago sa simbahan.

Ang naturang insidente ng pag-atake noong Miyerkules ay kinondena ng buong bansa at nagdulot sa pambansang panawagan para hanapin ang mga kriminal.

Samantala, isinasagawa na ang manhunt operations para sa ikadarakip pa ng mga suspek na nakatakas sa shoot-out sa simbahan.

Ayon kay National Police Commissioner Khehla John Sitole, determinado ang pulisya na bigyan ng hustiya ang mga nasawing kasamahan.

Patuloy pa ring inaaalam ang motibo ng mga suspek sa pag-atake sa police station ngunit pinaniniwalaang nagnakaw pa ang mga ito sa isang cash mashine bago ang pag-atake at nangulimbat din ng mga armas at isang police van.

Read more...