Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa ikalawang palapag ng Gregorio del Pilar Elementary School.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas-6 ng gabi nang magsimula ang apoy at tuluyan itong naapula bandang alas-7:26.
Dagdag pa ng mga otoridad, agad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dahil mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na pawang gawa sa mga light materials.
Wala namang naitalang nasaktan dahil sa sunog, ngunit 20 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa nasabing insidente.
MOST READ
LATEST STORIES