Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga nakabulagtang suspek.
Kapwa mayroong tig-isang hindi pa batid na kalibre ng baril ang mga lalaki.
Ayon kay Police Superintendent Jerry Corpuz na siyang hepe ng Sta. Ana Police Station, nakatanggap ng tawag mula sa isang concern citizen ang kanilang himpilan tungkol sa operasyon ng naturang riding in tandem.
Kaya naman nagpakalat agad ang mga otoridad ng mga tauhan kung saan namataan at sinundan ang mga suspek.
Nang mapansin umano ng mga ito na sinusundan sila ng mga pulis ay agad na nagpaputok ang mga suspek, dahilan upang gumanti rin ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang lalaki.