13 katao patay sa panibagong school shooting sa Amerika

Mula sa cnn.com

Hindi bababa sa 13 katao ang kumpirmadong patay habang nasa 20 naman ang sugatan sa pamamaril na naganap sa loob ng Umpqua Community College sa Douglas County, Oregon.

Sa report, isang suspek ang na-umpisang magpapaputok sa loob ng building naturang campus.

Ayon kay Douglas County Commissioner Chris Boice, napatay din ang beinte anyos na suspek sa pamamaril, matapos manlaban sa mga otoridad.

Wala pa namang impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng suspek.

Ang Umpqua Community College ay matatagpuan 180 miles sa timog na bahagi ng Portland Oregon .

 

Read more...