Israel, nais nang ituloy ang peace talks sa Palestine

Inquirer file photo

Tumungo ang prime minister ng Israel sa United Nations kahapon upang manawagan ng madaliang panunumbalik ng peace talks sa pagitan nila ng Palestine.

Ayon kay Israel Prime Minister Benjamin Nethanyu, handa na siyang agad na isagawa ang direktang peace negotiations sa kanila ng mga Palestinians ng walang anumang hinihinging kundisyon.

Ani Nethanyu, na direktang nakipagusap sa pangulo ng Palestine na si Mahmoud Abbas, alam niyang hindi ito madaling gawin ngunit para sa kanilang mga mamamayan ay susubukan nila.

Naniniwala si Nethanyu na maraming magandang magagawa ang pagsubok nila na maresolbahan ang mga isyung namamagitan sa dalawang bansa.

Binatikos rin ni Nethanyu sa kaniyang talumpati ang pakikipagugnayan ng iba’t ibang bansa sa Iran hinggil sa nuclear deal na pinasimulan nito.

Mariing kinukundena ng Israel ang nasabing nuclear deal dahil naninindigan ito sa kahalagahan ng kaligtasan ng kanilang bayan at mga mamamayan.

Read more...