Wagi ang Adamson kontra DLSU sa iskor na 25-18, 15-25, 25-19, 25-22.
Dahil dito, gumanda ang win-loss record ng Adamson sa 3-3 at nasa ikaapat na pwesto habang ang DLSU naman ay bumaba sa 4-2 record.
Ayon kay Adamson head coach Air Padda, nahirapan siyang pamunuan ang team matapos ang dalawang magkasunod na talo nito.
Anya, nawala sa focus ang koponan nang matalo sa University of Santo Tomas.
Gayunman, isang malaking ‘sigh of relief’ ang naging panalo nila kontra La Salle ngayon.
Nanguna si former Lady Spiker Eli Soyud para sa Adamson sa kanyang 18 points habang nanguna naman para sa La Salle si Mary Boy Baron.