Sequel ng ‘That Thing Called Tadhana’, niluluto na ayon kay Angelica Panganiban

Kinumpirma ni Angelica Panganiban na kasalukuyan nang niluluto ang sequel ng hit indie-film na ‘That Thing Called Tadhana’.

Umugong ang panawagan para sa part two ng naturang pelikula sa pagbabalik sa showbiz ni JM de Guzman matapos ang dalawang taon.

Si De Guzman ang co-star ni Panganiban sa pelikula.

Ang naturang tanong tungkol sa sequel ng pelikula ay ipinukol sa aktres sa launching ng kanyang aklat na ‘Para kay Ex.’

Iginiit din ni Panganiban na excited na siyang muling makatrabaho si de Guzman dahil iba ang maaaring husay na ipakita nito dahil sa matagal na pahinga sa pag-arte.

Ang ‘That Thing Called Tadhana’ na kwento ng dalawang sawi sa puso ay ang highest-grossing indie film noong 2014.

Read more...