Naka-full alert na ang ang 12,000 pulis sa Central Luzon para sa paggunita sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Amador Corpus, mahigpit na pinababantayan ang seguridad sa mga pampublikong lugar.
Pinaghahanda rin ang mga pulis sa anumang banta ng pag-atake ng mga teroristang grupo sa paggunita sa paggunita sa makasaysayang pangyayari.
Samantala, wala pang grupong nag-anunsyo sa rehiyon kung magdadaos ng protesta.
Sa Metro Manila, sinabi ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office na nasa full-alert rin ang kanilang hanay kahit na wala silang namomonitor na banta ng terorismo sa kasalukuyan.
MOST READ
LATEST STORIES