Sa impormasyon na nakuha ng Department of Energy (DOE), aabot sa P0.90 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.
Nasa pagitan naman ng P0.55 hanggang P0.65 bawat litro ang dagdag sa halaga ng gasolina samantalang P1.00 naman sa kada litor ng gaas o kerosene.
Inaasahan na ipatutupad ang nasabing dagdag singil sa Martes ng umaga tulad ng mga nagdaang pagkakataon.
Sinabi ng ilang industry player na patuloy ang malikot na presyon ng presyo ng petrolyo sa world market na siyang nakaka-apekto sa halaga nito dito sa ating bansa.
Wala namang inaasahang paggalaw sa halaga ng auto LPG at cooking gas.
MOST READ
LATEST STORIES