40,000 satellite receivers ipakakalat sa bansa para sa libreng internet connection

Inquirer file photo

Abot sa 40,000 units ng satellite receivers ang nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan sa mga barangay para sa libreng internet access ng publiko.

Sinabi ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na layunin nito na makapaghatid ng mga napapanahon at tamang impormasyon sa publiko lalo na sa mga kanayunan.

Nabuo ang nasabing idea makaraan ang ginanap na National Information Convention na dinaluhan ng mga information officers ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at local government units.

Sa pamamagitan umano ng internet ay maihahatid sa publiko ang mga tamang impormasyon kontra sa fake news.

Mamamahagi rin ang gobyerno ng mga TV sets sa mga Barangay hall para sa publiko.

Dagdag pa ni Andanar, sa pamamagitan ng internet ay may direkta nang access ang publiko sa pamahalaan para sa kanilang mga reklamo at pangangailangan.

Read more...