Singil sa pagkuha ng NBI Clearance, magtataas na din

Dahil sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, nag-anunsyo na ang Department of Justice (DOJ) na maging sila ay magdaragdag na ng singil sa pagbibigay ng National Bureau of Investigation (NBI) Clearance.

Batay sa abiso ng DOJ, ipatutupad nila ito sa March 12 dahil na rin sa pagtataas ng halaga ng Documentary Stamp Tax.

Mula sa dating singil na P115, ngayon ay magiging P130 na ang halaga ng pagkuha ng NBI Clearance na madalas kailangan ng mga naghahanap ng trabaho o kaya ay pupuntang abroad upang mapatunayang wala silang criminal record.

Una nang nagtaas ng singil sa pagkuha ng mga dokumento sa Philippine Statistics Authority (PSA) tulad na lamang ng birth, marriage at death certificates.

Nagsimula itong ipatupad ng PSA noong February 2, kung daan naging P155 na ang singil nila sa bawat dokumento mula sa dating P140 lang.

Read more...