Ito ang lumabas sa resulta ng isinagawang post-conflict needs assessment sa Marawi City, bayan ng Butig at Piagapo sa Lanao del Sur mula Agosto hanggang Disyembre.
Ayon kay Office of Civil Defense Deputy Administrator Kristoffer James Purisima, nasa P18.2 bilyon ang halaga ng mga naitalang pinsalang idinulot ng bakbakan sa mga nasabing lugar.
Sa ngayon ay mayroon nang P10 bilyon na inilaan para sa rehabilitation works na isasagawa ngayong taon.
Ayon kay Purisima, mayroon na silang mga inihandang proyekto, mga programa at aktibidad para sa taong ito hanggang 2019.
Mayroon din naman aniya silang mga planong proyekto hanggang sa 2022 na magiigng bahagi ng Comprehensive Rehabilitation Recovery Program ng Marawi.
Inaasahang mailalabas ito pagsapit ng huling bahagi ng unang quarter ng March.