Report ng AI sa Pilipinas, ‘out of context’ – Panelo

Tinawag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ‘out of context’ ang report ng Amnesty International kaugnay sa mga isyu na kinakaharap ng Pilipinas.

Nabatid kasi na sa annual report ng naturang grupo, sinasabing problema ng bansa ang ang summary killings, freedom of expression, human rights defenders, death penalty, internal armed conflict, torture, children’s rights, right to health, at maging reproductive rights.

Ayon kay Panelo, walang state-sponsored killings sa bansa dahil sinusunod naman ng mga pulis ang protocol sa pag-operate at pag-aresto sa mga drug suspects.

Paliwanag nya, kaya nagkakaroon ng mga patayan ay dahil mismong mga drug synidcates na ang nagtutumba sa kanilang mga kalaban nang sa gayon ay hindi sila maisumbong pa sa mga orotidad.

Sa kaso naman ng ma napapatay ng mga pulis, kanyang sinabi na ito ay resulta ng self-defense kapag nanlalaban ang mga target na suspek sa operasyon.

Magugunitang ilang beses na ring itinanggi ng pamahalaan ang isyu ng summary killings sa bansa.

Gayunman, iginigiit ng ilang human rights group na mali ang numero na inilababas ng PNP at hindi nila isinasama sa kanilang bilang ng mga napapatay ang state-sponsored vigilantes.

Read more...