Kasaysayan ng Filipino-Muslim at indigenous people pinasasama sa curriculum ng mga mag-aaral

Radyo Inquirer File Photo

Dapat lubusang ipatupad ang batas na nag-aatas na ituro ang kasaysayan ng Filipino-Muslim at indigenous peoples (IPs) sa basic at higher education.

Ipinanawagan ito ni Senador Sonny Angara sa habang tinatalakay pa sa Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ni Angara na sa ilalim ng Integrated History Law, dapat isama ang pag-aaral sa kasaysayan, kultura at pagkakakilan ng Filipino-Muslims.

Dapat na kasama ito sa pagbuo ng curriculum sa pag-aaral ng kasaysayan ng bansa, kabilang na sa textbooks at iba pang reading materials.

Hinimok ni Angara ang Department of Education (DepEd) na pabilisin ang pagpapatupad nito sa lahat ng paaralan sa buong bansa para sa tunay na “inclusive history” na pinapahalagahan ang lahat ng Pilipino.

Noong 2016 pa naisabatas ito, ngunit ayon sa DepEd, sa ilang paaralan pa lamang naipatutupad ito, karamihan ay sa Mindanao.

Sinabi ni Angara na ngayong nasa deliberasyon ang BBl, kailangang mas maintindihan ng mga Pilipino ang kasaysayan ng mga Muslim. Sa ganitong paraan aniya, mas maiintindihan ng publiko ang pangangailangan n mas magandang otonomiya sa rehiyon ng Bangsamoro.

 

 

 

 

Read more...