CBCP dismayado sa hakbang ng kamara sa divorce bill

Dismayado ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa hakbang ng kamara na pag-apruba sa divorce bill.

Sa post sa social media nagpahayag si CPCP Executive Secretary of the Permanent Committee on Public Affairs Fr. Jerome Secillano ng pagka-dismaya sa ginawa ng mga kongresista.

Ani Secillano maituturing na “anti-marriage” at anti-family” ag nasabing panukala.

Ang pagpasa aniya sa nasabing panukala ay isang pag-traydor sa mandato ng mga mambabatas na protektahan ang mga institusyon sa bansa.

Sa ilalim ng panukalag “An act instituting absolute divorce in the Philippines” ang mga mag-asawa ay maaring maghiwalay ng ligal sa ilalim ng ilang kadahilanan.

Sa ilalim pa ng bill, papayagan ang mag-asawa na mag-file para sa absolute divorce kung sila ay may limang taon nang hindi nagsasama.

 

 

 

 

 

Read more...