Grupo sa Amerika na tutol sa war on drugs magsasagawa ng kilos-protesta sa Philippine Embassy sa Washington

Ikinakasa ng isang grupong kontra giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga ang isang kilos-protesta sa harap ng Philippine Embassy sa Washington DC.

Isasagawa ang kilos-protesta sa February 28, kasabay ng unang anibersaryo ng pag-aresto kay Senador Leila de Lima na kilalang kritiko ng kampanya.

Ayon sa “StoptheDrugWar.org”, ipoprotesta nila ang ang libu-libong nasawi sa gyera kontra droga, at ipapanawagan ang pagpapalaya kay De Lima na nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga.

Hihimukin din ng grupo ang pagpasa sa Philippines Human Rights Accountability and Counternarcotics Act sa United States.

Isasagawa rin ang pagkilos bilang pakikiisa sa paggunita sa People Power revolution sa February 25.

Dadalo sa kilos-protesta ang Amnesty International USA na kilala ring kritiko ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.

Maliban sa pagkondena sa war on drugs, ipapanawagan din ng grupo ang pagpapalaya na kay Sen. De Lima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...