Sinabi ni Sotto na maaaring lumabo ang tsansang maisabatas ito kapag hindi pa ito naipasa sa pagdating ng midterm elections.
Sinabi ng senador na sa tingin niya ay hindi pabor sa panukala ang 12 senador na maiiwan sa Senado.
Gayunman, may tsansa pa rin naman ito kung sakali aniya na papabor ang mga bagong senador na uupo matapos ang eleksyon.
Ayon kay Sotto, karamihan sa mga senador ay pabor sa pagbabalik sa parusang kamatayan kung ito ay para lamang sa drug lords.
Inihalimbawa ni Sotto ang mga nakulong dahil sa high level drug trafficking pero nago-operate pa rin sa bilangguan.
Nakatakdang talakayin muli ng Senate subcommitte on Justice and Human Rights ang usapin.
Kabilang ang death penalty bill sa priority bills na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.