4 sugatan sa pananambang sa Tondo, Maynila

Kuha ni Erwin Aguilon

Isang Toyota Innova ang pinagbabaril sa New Antipolo kanto ng Solis St., Tondo, Maynila.

Tadtad ng tama ng baril ang nasabing sasakyan na may plakang WSI 371.

Ayon sa station 7 ng Manila Police District (MPD), sugatan ang driver ng sasakyan at tatlo pang sakay na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Nagsasagawa pa naman ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Agad kinordonan ang lugar at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis.

 

 

 

 

 

 

Read more...