Hindi uli dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa EDSA People Power Revolution sa Linggo.
Kinumpirma ito ng National Historical Commission of the Philippines (NGCP) sa rehearsal ng ika-32 anibersaryo ng ng historic event.
Ayon kay NHCP chairman Dr. Rene Escalante, inimbitahan nila ang pangulo ngunit sinabi nito na hindi siya makakadalo.
May importanteng lakad umano si Pangulong Duterte sa Mindanao.
Sa halip si dating Pangulong Fidel V. Ramos ang magiging panauhing pandangal sa aktibidad.
Posible ring dumalo si Vice President Leni Robredo.
Matatandaang hindi rin dumalo sa mga aktibidad sa paggunita ng EDSA People Power Revolution si Duterte noong nakaraang taon.
MOST READ
LATEST STORIES