Dalawang magkasunod na insidente ng sunog ang naitala sa Maynila at Caloocan City, Biyernes ng umaga.
Unang sumiklab ang asunog sa A. Linao Street kanto ng San Isidro Street sa Singalong, Maynila bago mag alas 9:30 ng umaga.
Isang residente na nakilalang si Leo Luzares ang nagtamo ng minor burn sa kaniyang kanang braso dahil sa sunog.
Dahil sa gawa sa light materials mabilis na nilamon ng apoy ang hindi bababa sa sampung bahay.
Matapos maubusan ang tubig ang mga bumbero nagtulong-tulong ang mga magkakapitbahay upang buhusan ng tubig ang kalapit na bahay ng nilalamon ng apoy upang hindi na ito madamay.
Kanya-kanya kanya namang salba ng nha ari-arian ang mga residente.
Inaalam pa naman ang pinagmulan ng apoy at pinsalang iniwan nito.
Sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang matandang babae dakong alas nueve bente y singko ng umaga.
Umabot lamang naman sa ikalawang alarma ang nasabing sunog.
Samantala, bago mag aals 10:30 naman nang umaga nang sumiklab ang sunog Kawal Street, Barangay 28 sa Caloocan City.
Sangkot sa nasabing sunog ang isang residential area na umabot din sa 2nd alarm.