Nanawagan si Rev. Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) sa mga kabataan na gawing sakripisyo ngayong panahon ng kwaresma ang pagbawas sa paggamit ng social media na kung minsan ay nagiging pag-aaksaya na lang ng panahon.
Sinabi ni Garganta na kung tutuusin maraming pagkakataon na hindi naman importante ang dahilan ng paggamit ng mga kabataan sa social media.
Malaking bagay aniya sa spiritual na pananampalataya kung isusuko muna o ihihinto muna ang bagay na pinakanais nating gawin para sa paggunita ng panahong ng kwaresma.
Maari din ayon kay Garganta na kung gagamit ng social media ay mag-post na lang ng Lent related na larawan o spiritual readings para maibahagi sa iba.