Mark Taguba pinalilipat ng korte sa custodial center ng PNP

Inquirer File Photo

Ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) na ilipat sa kostodiya ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang customs broker na si Mark Taguba.

Sa kautusan ni Manila RTC Branch 46 Judge Rainelda Estacio Montesa, inatasan nito ang National Bureau of Investigation (NBI) na agad ilipat sa custodial center ng PNP si Taguba.

Ayon kay Atty. Raymund Fortun, ang utos na ito ng korte ay nangangahulugan lamang na batid ng hukom na may banta sa buhay ng kaniyang kliyente.

Samantala, ipinagpaliban naman ng korte ang pagbasa ng sakdal kay Taguba at sa kaniyang kapwa akusado na si Eirene Tatad.

Sa halip na ngayong araw ay ginawang sa April 6 na lamang ang arraignment.

Hindi pa kasi nareresolba ang motion to quash na inihain nina Taguba at Tatad.

Inatasan naman ng korte ang piskalya na magsumite ng komento at sagutin ang mosyon sa loob ng 10-araw.

 

 

 

Read more...