WATCH: Rehearsal ng military honor guards sa People Power Monument, naantala

Kuha ni Jan Escosio

Naantala ang rehearsal ng military honor guards sa People Power Monument Biyernes ng umaga na paghahanda para sa aktibidad sa ika-32 aniberasyo ng EDSA People Power.

Alas 8:00 ng umaga dapat ang simula ng rehearsal, pero naumpisahan ito alas 9:30 na ng umaga.

Ito ay dahil sa grupo ng mga magsasaka na nagsasagawa ng hunger strike sa lugar.

Okupado ng mga miyembro ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka o PAKISAMA ang luagr at kasama nila si running priest Fr. Robert Reyes.

Pero nakiusap sa kanila ang mga otoridad na pumwesto muna sa gilid at itabi ang kanilang mga gamit gaya ng tent at lamesa para makapag-ensayo ang military honor guards.

Tumagal ang pakiusapan dahil nais makatiyak ni Fr. Reyes na pababalikin sila sa pwesto matapos ang pag-eensayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...