Binabantayang LPA ng PAGASA, papasok sa bansa ngayong araw

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan pa rin ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 1,105 kilometers East ng Mindanao.

Ngayong araw papasok ng bansa ang nasabing LPA.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na maliit pa ang tsansa na maging isang bagyo ang LPA.

Gayunman ang extension nito ay magdudulot na ng pag-ulan sa Caraga at Davao Region.

Samantala, muli namang umiral ang hanging Amihan sa extreme Northern Luzon. Ayon sa PAGASA, apektado ng Amihan ang Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Group of Islands.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...