Dahil sa anniversay rehearsal, bahagi ng EDSA isasara ngayong umaga

 

Muling inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa isasagawang road closures sa bahagi ng EDSA ngayong araw ng Biyernes.

Ito ay para sa gagawing rehearsal para sa pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations Group head Bong Nebrija, alas-6:00 pa lang ng umaga ay maglalatag na sila ng orange plastic barriers.

Magsisimula ang rehearsal alas-8:00 ng umaga, at inaasahang matatapos bandang alas-10:00.

Partikular na isasara nila ang dalawang outermost lane ng EDSA northbound mula Ortigas hanggang Santolan.

Tiniyak naman ng MMDA na agad nilang bubuksan ang mga lanes oras na matapos ang rehearsal, pero hangga’t nagpapatuloy ito ay inabisuhan ang mga motorista na gumamit na muna ng alternatibong daanan.

Maari aniyang kumanan patungong McKinley Road, Kalayaan Avenue, J.P. Rizal o Guadalupe Ilalim, Pioneer Street, Shaw Boulevard o sa Julia Vargas Avenue, upang makapunta sa C5 na maaring tahakin ng mga motorista patungo sa kanilang pupuntahan.

Read more...