Mga isasagawang rally para sa EDSA Anniversary, welcome sa Malacañang – Roque

 

Inquirer file photo

‘We welcome any and all protest that day.’

Ito ang pahayag ng palasyo ng Malacañang para sa mga nakaplanong protesta sa anibersaryo ng EDSA People Power I sa Linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirerespeto ng Palasyo ang karapatan ng bawat indibidwal na makapaglabas ng saloobin at mapayapang magsagawa ng mga pagtitipon.

Matatandaang nagpahayag na rin si Pangulong Duterte na huwag pigilan maging ang kanyang mga kritiko sa pagdalo sa mga aktibidad ng anibersaryo ng People Power.

Ilan sa mga inaasahang magsagawa ng protesta sa Linggo ay ang grupo na binubuo ng mga taga-oposisyon na Tindig Pilipinas.

Ayon kay People Power Commissioner Pastor Boy Saycon, papayagan ang grupo na magtayo ng stage sa venue ngunit inihiling na magsagawa lamang ng programa pagkatapos ng misa at ang EDSA rites sa naturang araw.

Samantala, nang tanungin pa rin si Roque tungkol sa plano ng gobyerno kung paano ipagdiriwang ang EDSA I, iginiit nito na ipinagdiriwang na ito lalo pa’t naideklara na itong public holiday.

Read more...