State of calamity pinag-iisipang ideklara sa Boracay

 

Posibleng isailalim sa state of calamity ang Boracay kung hindi pa rin mareresolba sa lalong madaling panahon ang problema sa polusyon sa naturang isla.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, unang pinalutang ni Department of the Interior and Local Government Eduardo Año ang ideya upang maisaayos muli ang sitwasyon sa Boracay island.

Kahapon, personal na inikot ni Cimatu ang Boracay upang inspeksyunin ang mga establisimiyento na lumalabag sa environmental laws at nagdudulot ng perwisyo sa sikat na tourist spot.

Dismayado ang Kalihim sa kanyang nasaksihan dahil sa dami ng mga establisimiyento at struktura na lantarang lumabag sa 30-meter easement area.

Sa ilalim ng 30-meter easement, wala dapat istruktura sa loob ng tatlompung metro mula sa pampang ng dagat.

Bukod dito, marami ring struktura at negosyo ang naitayo kahit ito ay nasa timberland area.

Kamakailan, tinawag na ‘cesspool’ ni Pangulong Duterte ang Boracay dahil sa matinding dumi na kanyang nakita sa dagat nito.

Dahil dito, nasa 51 establisimiyento ang ipinasara na ni Cimatu matapos mapatunayang lumalabag sa waste management regulations sa Boracay.

Read more...